Aminado ang aktres na si Max Collins na hindi siya naniniwalang may nangyayaring “lutuan” sa mga beauty pageants kasunod nang naging isyu sa pagkakapanalo ni Michelle Dee bilang 2023 Miss Universe Philippines nitong nakaraan.
Ayon pa sa kanya, talagang natuwa siya nang makopo ni Michelle ang korona.
“I’m so, so happy that she won finally. It’s her second time, we we’re all supporting her,” saad ni Max. “Siyempre, nalungkot kami last year that she didn’t win and the fact that she won this year, it makes us so happy. Finally, nakuha na niya ang korona at pinaghirapan niyang talaga.”
Kung matatandaan, nagtrending ang mga hastags na #lutongmacau at #cookingshow pertaining sa pagkakapanalo na Michelle at may mga balita pang malakas umano si Michelle sa ilang mga judges.
Pinabulaanan naman ni Max na mayroong dayaan sa ginanap na beauty pageant.
“I think, bashers will always have something to say no matter what,” sabi ni Max. “May masasabi ang mga tao. So, we don’t really make it pansin. Siguro, parang mas nagpo-focus kami sa positive side na nanalo siya, masaya kami.
“We saw it first hand, ‘yung paghihirap niya, her preparation for everything. We’re even there no’ng sumagot siya, sa night itself. Sa kanya talaga ang spotlight that time. She really answered the question perfectly, compared sa other contestants,” dagdag niya.
Sabi pa ng dalaga, hindi raw nila kailangan pang protektahan si Michelle pa sa mga bashers o sa anumang negatibong komento at reaksiyon dahil kaya raw ni Michelle ang kanyang sarili.