Ang sexy actress na si Azi Acosta na pala ang itinuturing ngayong reyna ng Vivamax base umano sa mga pinakabagong statistics ng Vivamax kung saan dalawa sa tatlong highest earners ng film outfit ay si Azi ang bida.
Effectively, mukhang nalaglag na mga palabang sexy stars na sina AJ Raval at Angeli Khang bilang mga Vivamax queens.
Kasi naman talaga, walang kiyeme sa paghuhubad at pakikipag-sex scene si Azi.
“Sa top three movies ng Vivamax, dalawa ang pelikula ni Azi, kaya siya ang masasabing reyna ng Vivamax. Dahil din ito sa walang pelikula lately si AJ, kapag naipalabas na ang movie ni AJ, let’s see,” sabi ni Vincent del Rosario ng Viva Communications.
In fairness, sa bagong line-up ng mga pelikulang ihahandog ng Vivamax sa mga nalalabing buwan ng 2023, may dalawa hanggang tatlong proyektong gagawin si Azi.
Bukod dito, napili rin siya para sa bagong all-female group ng Viva na A-Listers kasama sina Queen Carrillo at Ayana Misola na kabilang nga sa mga nag-perform sa 7 million subscribers celebration ng Vivamax.