Mukhang matutuloy na ang pagsali ng komedyana at beauty queen na si Herlene Budol sa Miss Grand Philippines 2023 pageant dahil isa siya sa 11masusuwerteng natanggap sa ginanap na first screening ng naturang national pageant kamakailan.
Ipinakita ng dalaga sa social media ang litrato nila ng kanyang talent manager at vlogger na si Wilbert Tolentino ma kuha sa naganap na screening ng Miss Grand Philippines 2023.
“Mga KaSquammy ko, Congrats me at Napasok po ako sa First batch screening ng @msgrandphil 2023. Salamat Sir @sirwil75,” sabi ni Herlene sa caption.
Pinasalamatan din ni Hipon Girl ang lahat ng mga taong patuloy na nagmamahal, sumusuporta at nagtitiwala sa kanya lalo na yung mga hindi talaga siya iniiwan sa kanyang mga laban sa buhay.
“Salamat sa mga nag PM sa akin ng Goodluck and we support you all the way. Sa mga nababasa ko mga comments nyo dto at sa mga ibat ibang content sa Tiktok ay bigla po ako naka ramdam ng konting pressure at tense tulad nung nag register at screening ko nakaraan taon sa @bbpilipinasofficial 2022. I miss my BPCI family. Habang nag fifill up ako ng registration for @msgrandphil ramdam ko andyan si Nanay Bireng sa tabi ko. Nay, Samahan mo ako sa aking panibagong yugto at Journey ko dto sa patimpalak na aking pinapangarap para sa ating bansa,” sabi ng dalaga.
“Sana huwag nyo akong iwanan mga KaHiponatics ko tulad ng pag sabak ko sa BBP last year. Pipilitin ko ma uwi ang kauna unahang Golden Crown para sa ating bansa,” dagdag niya.
Ang Miss Grand Philippines ay nasa ilalim na ng ALV Pageant Circle, matapos bitiwan ng Binibining Pilipinas ang franchise nito sa naturang international pageant.