Aminado ang sexy-drama actress na si Yda Manzano na marami na siyang pinaglagpas niyang opportunities noon sa showbiz pero ngayon, hindi na niya ito gagawin at babawi na siya para sa kanyang career.
Ayon sa kanya, marami raw siyang na-miss nang pansamantala niyang iwan ang industriya noong early 2000 para i-priority ang kanyang pamilya.
Si Yda ay sexy actress noong 90s na napanood sa mga pelikulang Gamugamong Dagat at Bulaklak ng Maynila.
Paliwanag niya, nagkaroon siya ng pamilya kaya iniwan niya ang showbiz, pero nauwi rin sila sa hiwalayan ng kanyang mister.
“And then after ten years, siguro na-realize namin na hindi kami dapat sa isa’t isa. Hindi kami magkasundo, naghiwalay kami,” sabi ni Yda. “Pero okey naman ’yong paghihiwalay namin. We both agreed na i-focus na lang namin sa bata kesa naman palaging nagbabangayan.”
Doon na raw niya napagtanto na na-miss niya ang umarte sa harap ng kamera.
“Nu’ng naghiwalay kami, na-realize ko ang dami ko palang na-miss na dapat kong ginawa noon pa, nu’ng kabataan ko,” pagpapaka-totoo ng aktres.
Ito na umano ang nagtulak sa kanya na balikan ang pag-a-artista. Luckily ay nabigyan naman daw siya ng panibagong chance sa Viva kaya gagawin daw niya ang lahat ng kanyang makakaya para ibalik ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya.
“So ngayon, I was thinking it’s not too late since Boss Vic [del Rosario] is giving me a chance, another chance. That’s why now I’m giving it all, like, kung sinabi ng direktor na, ‘Oh, tumuwad ka.’ Tuwad ako.’ Ganu’n, to the extent na maging ganu’n,” sabi ni Yda.
Nitong mga nakalipas na buwan nga lang, napasama na siya sa mga movie’ng La Querida at Sukina kapwa napapanood na sa Vivamax.
Ngayon naman, mas daring daw ang role niya sa upcoming digital series na Sex Hub.
Pero tiniyak ng aktres na ibinigay niya ang lahat ng demand para magampanan niya nang maayos ang kanyang sexy kontrabida role.
“This is the time na I could say to myself na I’m ready to do it, whatever project, whatever role na ibibigay sa akin,” sabi ni Yda. “Ito na ’yong time na parang…gawin ko na kasi artista ako, e. Kaya ka nga artista dahil bibigyan ka ng iba’t ibang role. Dapat kaya mo ’yon, dapat flexible ka.”
“Paano ka magiging artista kung hindi mo naman pala kaya gampanan ’yong role na ibibigay sa’yo, ’yong character,” dagdag niya.
Mapapanood si Yda, kasama sina Micaella Raz, Karl Aquino, Joko Diaz, at marami pang iba, sa online series na Sex Hub starting June 4 on Vivamax.