Talagang pinag-isipan pala ng aktres na si Iza Calzado kung ano ang kanyang ipapangalan sa kanyang anak at aminado siya na hindi madaling magbigay ng pangalan sa anak.
Sa isang panayam, naikuwento ng aktres kung paano niya nabuo ang pangalang ibinigay sa first baby na si Deia Amihan.
“Ben and I went on a trip before I announced my pregnancy. In Mallorca (Spain), I posted a picture and captioned it, ‘Deia, you’re so stunning’,” sabi ni Iza. “A friend of mine commented, ‘If I had a baby girl, I would also name her Deia,’ This made me look at what it meant. It’s a Latin word that means goddess of joy.”
“This resonated with me because my baby is bringing me so much joy at the moment, and then, of course, she’s like a goddess to me,” dagdag niya.
Ayon pa kay Iza, mas nahirapan siyang pag-isipan ang ikalawang pangalan ng kanyang anak.
“I had several choices. I said maybe ‘Tala’ because the very first name that I wanted for my child is something meaningful to me,” sabi ni Iza. “Tala was the name of a role I played as a baby in the TV show ‘Ora Engkantada.’ Janice de Belen was my mom. I said that if it was just Deia, parang bitin.”
Nabanggit din ng aktres na espesyal sa kanyang ang pangalang “Amihan” dahil ito ang kanyang naging karakter noong bumida siya sa original version ng fantasy serye na “Encantadia.”
“That role really made an impact on me. As a warrior, Amihan was very empowered. She made a lot of sacrifices, some of which I can’t even make in my own life,” sabi ni Iza. “I also feel like my child and I battled a lot already. I’ve always thought she’s a warrior, so I wanted something really strong for her.”
Kung maaalala, pansamantalang nagpahinga mula sa mata ng publiko si Iza upang matutukan ang kanyang panganganak.
Pero nitong Abril lamang ay unti-unti nang nagiging aktibo sa trabaho ang aktres at makikita nga siya sa ilang endorsement launches at magazine shoots.