May mga kumakalat na balita ngayon na naghiwalay na ang dating aktres na si Michelle Madrigal at ang kanyang foreigner boyfriend na si Kyle dahil marami na ang nakakapansin na parang burado na sa kanyang Instagram account ang mga larawan at videos nila together.
Bukod pa rito, makahulugan rin ang mga Instagram stories ni Michelle na pumapatungkol sa “healing”.
Isang selfie ang kanyang ibinahagi kalakip ang kanyang caption tungkol sa pinagdaraanan.
“Embracing all the feels. Y’all see me as a strong woman (which lam) but I’ve learned to fully honor my emotions when I’m not okay,” sabi ni Michelle.
Dagdag pa niya, “For a long time l’ve operated in a “I’m all good” mentality and it has finally caught up. Being strong and allowing yourself to not be okay is a step towards healing. You heal as you grieve,” dagdag niya.
Mayroon ring ibinahaging photo quote ang dating aktres.
“It’s ok to be happy one day and sad the next. It’s ok to feel confident one day and be anxious the next. You don’t have to feel the same everyday. You just have to learn to accept and adapt to how you feel,” sabi pa ni Michelle.
Wala namang direktang pag-amin si Michelle kung single na ba siya ulit.
Kung matatandaan, December 2022 nang mag-upload ang celebrity mom ng vlog sa kanyang YouTube channel kung saan ikinuwento niya kung paano sila nagkakilala ni Kyle.
At dahil nga single mom si Michelle at kakahiwalay lang sa asawang si Troy Woolfolk ay wala itong time para lumabas at makipag-date kaya naman nakahiligan nito ang dating app kung saan sila nagkausap.