Mukhang hindi na maitago ng aktres na si Xyriel Manabat ang kanyang nararamdaman kaya naman nai-flex na niya ang kanyang non-showbiz boyfriend sa social media.
Sa isang TikTok post, ipinakilala ng dating child star ang lalaki na si Nat Toledo, at game na game ring nagpakita ng kanyang dance moves sa video na ipinost ni Xyriel.
Mapapakinggan sa nasabing TikTok entry ang kantang “If We Ever Broke Up” ni Mae Stephens habang sinasabayan nina Xyriel at Nat sa kanilang pa-cute na sayaw.
“@NatToledo subukan brumoke up tamo,” ang caption na inilagay ni Xyriel sa kaniyang post.
Hirit naman ni Nat, “Crush ko lang dati gf ko na ngayon.”
Sa comments section, biniro ng kanyang mga fans at followers si Xyriel kung naipakilala na ba niya kay Angel Aquino, na gumaganap na nanay niya sa seryeng “Dirty Linen” serye ang kanyang boyfriend.
Game na game na sagot ni Xyriel, “Kilala na po.”