May aabangang pasabog pala ang publiko sa bagong proyekto ng aktres na si Anji Salvacion at aminado ang dalaga na magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman niya sa nalalapit na pagpapalabas ng upcoming Kapamilya series na “Linlang” mula sa Dreamscape Entertainment.
Matinding challenge ang hinarap ng singer-actress para sa ginagampanan niyang role sa naturang drama series at hindi na raw siya makapaghintay na mapanood ito ng sambayanang Filipino.
“I can’t wait to share this to everyone, ‘yung development din ng character ko is really, really nice, ‘yung pagka-transition niya. I am excited din kasi maraming pagsabog ang magaganap sa ‘Linlang,’ ang daming malilinlang,” sabi ni Anji.
Feeling blessed and lucky din ang dalaga dahil mga bigating Kapamilya stars ang makakasama niya sa “Linlang” tulad nina Kim Chiu, Paulo Avelino, JM de Guzman, at Diamond Star Maricel Soriano.
Kasama rin dito sina Ruby Ruiz, Jaime Fabregas, Raymond Bagatsing, Vance Larena, Heaven Peralejo, Adrian Lindayag, at Race Matias.
Samantala, balik-eskwela naman ang Kapamilya young actress na si Gillian Vicencio sa tulong na rin ng kanyang talent management na Star Magic.
Kuwento ng dalaga, kinakarir niya ngayon ang pag-aaral at ang pag-aartista para hindi masayang ang mga panahon kapag wala siyang ginagawang projects sa ABS-CBN.
“Bumalik po ako sa school through Star Magic. Maraming, maraming salamat po sa Star Magic kasi sila po ang naging way para makapag-aral po ulit ako,” pagbabahagi ni Gillian.