Aminado ang sexy actress na si Rose Van Ginkel na okay lang sa kanya kung hindi siya ang bida sa bawat movie project na ibinibigay sa kanya dahil ngayong may bagong pelikula silang “Star Dancer,” gaganap na stripper sa pelikula si Rose at magiging kontrabida siya sa character ni Denise Esteban.
“Dito po sa Star Dancer ako po si Giselle. Ako po ’yong star dancer ng club kung saan po magwo-work si Odessa [Denise Esteban] soon,” sabi ni Rose. “May relationship po kami ni Arron [Villaflor] dito. Ako po ’yong type of person dito na ito ’yong way of living ko. Ito ’yong pinagkakakitaan ko.”
Hindi naman daw siya nahirapan sa kanyang character. Katunayan, mas magaan nga daw ito kumpara sa mga ginawa niyang movies before.
“Ang sarap po sa feeling kasi light lang po ’yong ginawa ko for this movie. Compared to other [projects] na ginawa ko sa Vivamax, mas lighter po ito,” sabi ng dalaga.
At dahil nagbibida na rin siya noon sa mga pelikula, natanong siya ng entertainment press kung hindi pa siya nagkaroon ng second thought na kontrabida ang role niya sa Star Dancer.
Ayon sa kanya, hindi daw niya iniisip kung siya ba ang main actor o supporting cast sa isang project. Mas mahalaga daw sa kanya ay kung sino ang mga makakatrabaho niya.
“Hindi ko naman siya concern talaga kung bida o hindi. And I love working with Direk Pam [Miras]. Thankful ako [sa kanya] noong Kitty K7 talaga. Gusto ko din talaga ulit siya maka-work. Isa siya sa reasons kung bakit ako nag-yes sa project na ito,” paliwanag ni Rose.
Nahiritan pa siya kung hindi naman ba siya dehado sa exposure ngayong kontrabida ang papel niya sa movie.
“In the middle na po ako nag-start pero ’yong mga scenes ko talagang todo. Kumbaga, pag sinabing away, pag sinabing drama… May ganu’n siya, e,” sabi ni Rose. “Parang sabi ko, kahit small lang siya na role parang mapapansin talaga ako ng manonood and ’yon ang important. Tinry ko din ibigay ang best ko every scenes kasi ’yon ang dapat.”