Aminado ang aktres at singer na si Julie Anne San Jose na talagang mataas ang respeto niya sa Popstar royalty na si Sarah Geronimo at hindi umano siya gagawa ng anumang bagay na magtatapat sa kanila sa entablado.
Sa kanyang panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda”, natanong si Julie Anne kung ready ba siyang “lumaban” kay Sarah G.
“Unang-una, Tito Boy, hindi po ako lalaban because there is only one Sarah Geronimo. There can only be one Sarah Geronimo. It would be an honor, of course, na maka-duet po si Miss Sarah. Because I really look up to her,” sabi ni Julie Anne.
Pag-amin ng dalaga, hindi pa sila nabibigyan ng pagkakataon na magkatrababo o magka-collab ng Popstar royalty kaya kung may darating mang project na pagsasamahan nila ay talagang paghahandaan niya ito.
Mukhang hindi naman komportable ang dalaga sa ginamit na salitang “lalaban” dahil isa si Sarah sa mga talagang tinitingal niya sa industriya.
“More on like maghahanda, yes po, of course. Definitely. Of course. Kasi nga po she’s one of the people that I really look up to and isa siya sa mga naging influences ko rin sa music,” sabi ng dalaga.
Nagkuwento rin si Julie Anne na minsan niyang napanood ang “Tala” singer sa kanilang church sa Quezon City.
“Actually, share ko lang, naging choir po ako sa isang church po namin sa may Mindanao Avenue, and then malapit po si Miss Sarah doon. Tapos nakita ko po siya sa church nag-perform siya kasi Christmas noon so, like, wala lang, fangirling. Nag-fangirl talaga ako,” sabi ni Julie Anne.
Sey naman niya sa posibilidad na magkatrabaho sila, “It would be such an honor. I love her.”