Inihayag ng aktres at model na si Sam Pinto na talagang napagod at na-burnout umano siya noon kaya niya napagdesisyunan na iwan ang mundo ng showbiz ilang taon na ngayon ang nakararaan.
Ayon sa kanya, nagsunud-sunod kasi ang trabaho niya noong kasagsagan ng kanyang career kaya naman hindi maiwasan na makaramdam din siya ng matinding kapaguran at stress.
Sa panayam kay Sam ng “Fast Talk with Boy Abunda”, makalipas ang mahabang panahong pamamahinga at pananahimik sa showbiz, muli nga siyang nagbabalik sa larangan ng pag-arte.
Inamin nga niya na napagod siya noon sa trabaho kaya pinili niyang tumigil muna.
“Honestly, I think I was tired and parang burned out na so parang I needed a break. Then sakto sumabay din ‘yung building ng resort in Baler and it was around pandemic noong nagpatayo kami,” sabi ni Sam.
Pero parang super na-enjoy daw niya ang pagre-rest na malayo sa limelight kaya medyo natagalan ang kanyang pagbabalik sa mundong minahal na rin niya at itinutung na second home.
“I think I enjoyed the break too much kasi I was just chilling, Tito Boy, I had all the time that I needed. I can do anything, I can go anywhere, parang it is freedom basically,” pahayag ng actress-entrepreneur.
Sundot na tanong ni Tito Boy tungkol sa pag-alis ni Sam noon sa entertainment industry, “Sam, was it a decision na parang ayoko na or I’m just gonna take a break?”
“Siguro that time ayoko na. I think mostly because of work, kasi I was working every day that time,” ang tugon ni Sam kasabay ng pag-amin na na-miss din niya nang bonggang-bongga ang pag-aartista.
“Actually, what I really miss about showbiz, I kinda miss being busy. I know it’s weird but when you’re so used to it and then biglang nag-stop parang, I don’t know what to do with myself,” sabi pa ni Sam.
Feeling pa ng aktres, na-manifest niya ang kagustuhang makabalik sa showbiz dahil habang ini-imagine raw niya na umaakting uli ay biglang may dumating na offer sa kanya.
Sa ngayon ay super happy pa rin si Sam sa piling ng kanyang asawang si Anthony Semerad. Biniyayaan sila ng isang anak, si Mia.