Inamin ng aktres na si Andrea Brillantes na talagang feeling independent siya ngayong solo na siyang nagtatrabaho sa mga bago niyang proyekto at walang ka-loveteam at ayon sa dalaga ay talagang nai-enjoy niya ang moment dahil nga ilang taon din siyang napako sa pagkakaroon ng leading man o partner sa bawat serye at pelikula na ginagawa niya.
Pero ayon din kay Andrea, may mga adjustments din siyang ginawa ngayong nagsosolo na siya, kabilang na riyan ang upcoming iWantTFC digital series na “Drag You & Me” kung saan gaganap siya bilang drag queen.
“Nahirapan din ako maging solo artist kasi noong (13 or 15) pa ako, meron na akong loveteam. Lagi kong kaibigan ‘yung loveteam ko. Simula noong 15 ako, naging boyfriend ko rin ‘yung ka-love team ko. Iba kasi ‘yung dynamics kapag in a relationship ka with your partner. Parang it’s not work eh, para kang may date araw-araw. Tapos ‘yung staff na kasama ko d’un sa ‘Kadenang Ginto’ is kasama ko na sa lahat ng shows ko, 15 years old pataas,” saad ni Andrea sa presscon ng “Drag You & Me”.
Wala namang binanggit na pangalan ang dalaga pero alam naman ng lahat na naging dyowa niya ang dati niyang ka-loveteam na si Seth Fedelin at siya mismo ang nagsabi na dalawang taon ding tumagal ang kanilang relasyon.
“Itong Drag You & Me ang first-ever show ko na wala akong dyowa na katrabaho, or wala akong friend na katrabaho. Lahat ng co-stars ko bago. Lahat ng staff, bago,” sabi ni Andrea.
“Nahihirapan ako na nakakapaninibago, but it’s fun to be with new people. Nakaka-work ko ang mga legends and marami akong natututunan sa kanila. It’s a first, pero set na ako dito. I’m loving the solo era. I’m loving it,” dagdag niya.
Dagdag pa ni Andrea, “Mas marami kasi akong nagagawa ngayon, and bago siya. Dati parang lagi akong may ka-loveteam. Na-enjoy ko siya, masaya siya, iba ‘yung pakiramdam kasi independent ako. Pupunta ako sa set na work lang talaga.”
“Iba kasi iba ‘yung gaan na meron kang kasamang new sa work. Iba ‘yung power na nabibigay niya sa’yo, tsaka feel ko na mas independent ako. Masaya siya,” sabi pa ng dalaga.