Aminado ang aktres at TV host na si Yassi Pressman na nasasaktan din siya kapag nakakarinig at nakakabasa ng masasakit na comments about her body dahil talaga namang isa siya sa nabibiktima ng mga body shamers at laiterang netizens sa social media hanggang ngayon.
Ayon sa dalaga, sa kabila ng pagkakaroon ng active and healthy lifestyle, may masasabi at masasabi pa rin ang mga bashers at haters sa kanyang itsura at katawan.
May mga pagkakataon daw talaga na naaapektuhan din siya sa mga natatanggap na body-shaming comments pero aniya, ang the best daw na pangontra at panlaban sa mga ito ay “self-love”.
“Honestly, masakit din naman ang sasabihin ng mga tao. But, at the end of the day, kailangan mong isipin na it’s your body, and hindi naman sila ang nakatira sa temple mo. It’s your home, and you have to be kind to yourself because unang-unang magmamahal sa sarili mo is ikaw din,” sabi ni Yassi.
Nagkuwento pa si Yassi tungkol sa kanyang fitness and weight loss goals na sinimulan niya matapos ang kasagsagan ng pandemya.
“Nu’ng pandemic po kasi, nag-stop din ang lahat ng work. Kaya naman parang feeling ko, i-relax na lang din muna natin yung sarili natin. And before, I was training so hard, working so hard, parang sometimes nga rin po, my eating habits weren’t the best. Kaya po nagkaroon po ako ng health coach. Si Coach Darren Liu, Coach Carlos Hellstern. More than anything, ang pinaka-importante is also what you eat. So, with your diet, your nutrition,” sabi ng aktres.