Aminado ang aktres na si Heaven Peralejo na talagang enjoy siya sa tambalan nila ng kanyang loveteam na si Marco Gallo kahit pa mayroong mga isyu kaugnay sa mga naging pahayag ng aktres na si Liza Soberano sa mga loveteam.
Ayon kay Heaven, hindi naman daw sinasadya na maging magka-love team sila ni Marco pero mukhang destiny nilang maituloy kung anuman ang naudlot noon sa PBB house.
“Sa akin naman personally, hindi kasi sinasabi sa amin na magiging love team kami. Wala talaga. It’s not even planned. Through time na lang, nakita nila na we have this chemistry,” sabi ng dalaga.
Dagdag niya, wala rin daw siyang nakikitang mali sa pagkakaroon ng ka-love team kung ito naman daw ang makakatulong sa kanyang career bilang artista.
“Sa akin, wala akong bad take in a love team. If it’s the way to go, bakit hindi? And kung okey naman kayo ng partner mo, bakit din hindi? Maganda nga kasi nagkakatulungan pa kayong dalawa, e,” sabi ni Heaven.
Totoo naman din daw na marami namang choices sa kanilang mga artista kung ano ang gusto nilang tahakin sa kanilang career. Nagkataon lang daw na talagang swak ang personality nila ni Heaven kaya nabuo sila bilang magka-love team.
And speaking of new project, joint forces daw ulit sina Heaven at Marco para bigyan ng bagong flavors ang kanilang mga karakter sa ginagawa nila ngayong pelikula.