Aminado si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee na dream come true para sa kanya ang mabigyan ng “replica” ng korona o ‘yung tinatawag na “La Mer en Majesté crown.”
Hindi kasi puwedeng iuwi o itago ng reigning queens ang tunay na korona na ipinapasa sa kanila sa coronation night.
Sa kanyang IG, ipinakita ng dalaga ang replica ng korona sa gitna ng intimate dinner kasama ang MUPh creative and events director na si Jonas Gafud at MUPh director of communications na si Voltaire Tayag.
“Little do people know that the reigning queens never get to keep the crowns. We pass it on along with all the good luck it holds,” sabi ni Michelle.
Nakwento pa niya na siya mismo ang nag-request nito sa executives ng MUPh organization bilang pagbibigay-pugay sa kanyang sakripisyo at hard work.
“Needless to say, I always wanted a replica to symbolize all of the hard work and sacrifices it took to get this far,” sabi ng dalaga. “WHAT A DREAM. @voltairetayag. Thank you for turning that into a reality. You don’t know how much this means to me.”
Ang La Mer en Majesté crown o “Sea Majesty” crown ay mayroong 17 golden South Sea pearls at nagkakahalaga ng P3 million hanggang P5 million.
Ang stunning headpiece ay ginawa ng luxury brand na Jewelmer.
Ang nasabing korona ay unang ni-reveal noong 2022 at isinuot ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi, bago napunta kay Michelle.
Ang Sea Majesty crown ay ang kapalit ng “Filipina” crown na isinuot ng dating titleholders na sina Rabiya Mateo at Beatrice Gomez.