Aminado ang aktres na si Gabbi Garcia na nagpaalam umano muna siya kay Julia Barretto nang malamang makakatambal niya sa isang serye ang aktor na si Joshua Garcia na ex nga ni Julia.
Sa kanyang interview sa “Fast Talk with Boy Abunda”, tinanong siya kung tumawag ba siya sa kaibigang si Julia para humingi ng tips sa pakikipagtrabaho kay Joshua.
Pagbabahagi ni Gabbi, agad niyang tinawagan ang kaibigang si Julia matapos niyang malaman na makakatrabaho niya ang dati nitong karelasyon para sa isang teleserye.
“Actually, I called her. When the project was mentioned to me, I called her. I also called her before I left for Europe. Not for anything. Siguro values ko lang din as a woman and as her friend. I called her in respect, delicadeza lang for me na, ‘Oh I’m gonna be working with Josh for this project’,” sabi ni Gabbi.
Natawa pa nga raw sa kanya ang kaibigan nang magpaalam siya at sinabing hindi na niya kailangang magpaalam.
“Natawa pa nga siya na parang, ‘Oh my God Gabbi you don’t have to call me. Sabi niya sa ‘kin, parang ‘You don’t have to call me, you don’t even have to tell me, just go’,” sabi ng dalaga.
Kung matatandaan, nagsimula ang relasyon ni Julia at Joshua mula 2017 at nagtapos noong 2019.
Samantala, katambal naman ni Gabbi ang Kapamilya star sa teleseryeng “Unbreak My Heart”, ang unang collaboration project ng ABS-CBN, GMA-7, at Viu kasama ang iba pang big stars na sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.
Kamakailan nga ay nag-trending ang trailer video na inilabas nila kung saan marami ang nagulat sa naging “higupan” scene nila ni Joshua at pati na rin sa eksena ng binata kay Jodi.