Nakiusap ang reigning Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Dee sa publiko na hindi dapat magkalat pa ng hate at bagkus ay “spread the love” na lamang ang dapat gawin ng lahat.
Kasunod ito nang mga lumalabas na ulat na hindi umano siya deserving manalo bilang Miss Universe Philippines 2023 at sa tuwing may namba-bash at nangnenega sa kanya, mas pinipili raw ni Michelle ang magpakapositibo at intindihin ang mga taong nambabato ng masasakit na salita laban sa kanya.
Ayon sa anak ng aktres at dati ring beauty queen na si Melanie Marquez, palagi niyang pinipili ang magpakabuti kesa maging mapagpatol tulad na lang ngayong nakakatanggap siya ng maaanghang na salita nang tanghaling Miss Universe Philippines 2023.
Sa guesting ni Michelle sa se episode ng “Fast Talk with Boy Abunda,” natanong nga siya kung ano ang nararamdaman niya ngayong pinagsasabong pa rin sila ng mga nakalaban niya sa pageant.
“Honestly, I just wish people realize that we are sisters in pageantry, especially me and Pauline (Amelinckx, Miss Supranational Philippines 2023), we spent the whole year together because we were both in the same reigning queen batch,” saad ni Michelle.
Dagdag niya, hindi talaga maiiwasan kahit saan at kahit anong pagkakataon ang bashing dahil naging bahagi na nga ito ng buhay ng ilang Filipino lalo na sa social media.
“It’s honestly inevitable because fans come there supporting their bets, they come in there thinking that the rage or their anger can change results, but it can’t. So, if ever we’re in a position to make changes, let’s just choose to be kind and spread love. That’s what I always tell my fans, be kind and always spread love,” sabi ng dalaga.
Samantala, sikat na sikat na ngayon ang kanyang viral “snake walk” sa nakaraang grand coronation night ng Miss Universe Philippines pageant na inspired daw ng naging lakad noon ng nanay niyang si Melanie Marquez sa Miss International 1979.
“When she models, hindi siya tumitigil, that’s something I take inspiration from. One of my good friends and favorite photographers, Doc Marlon, he was like, ‘That’s what your mom does, she never stops giving the camera something,’” sabi ni Michelle.