May mga kumakalat na balita ngayon na mukha na raw sumobra ang pagpapakilig sa publiko ng Kapuso love team na sina Barbie Forteza at David Licauco na naging magkatambal bilang FiLay na hango sa pangalan ng kanilang mga karakter sa “Maria Clara At Ibarra” na Fidel at Klay.
Kung matatandaan, February 2023 lang nang magtapos ang teleseryeng pinagbibidahan nina Barbie at David kasama sina Dennis Trillo at Julie Anne San Jose ngunit naging mainit ang pagtanggap ng mga manonood sa dalawa.
Kaya nga kahit natapos na ang “Maria Clara At Ibarra” ay looking forward pa rin ang kanilang mga supporters sa bawat proyektong pagsasamahan pa ng dalawa.
At bilang pasasalamat sa mga natatanggap nilang suporta ay pinapasaya nina Barbie at David ang mga ito sa kanilamg simpleng kulitan at sagutan sa social media lalo na sa Twitter.
Sa umpisa ay marami ang kilig na kilig sa pagiging malapit ng dalawa at talagang taimtim ang kanilang pagdarasal na sana’y masundan na agad agad ng panibagong proyekto ang kanilang tambalan.
Ngunit habang tumatagal ay tila unti-unti nang nauumay ang mga faney sa mga ganap ng dalawa dahil masyado na raw “cringey” at “overacting” ang ibinibigay nilang fan service.
Lately nga ay may mga nagko-callout na kina Barbie at David at inihahayag ang kanilang napapansing mali sa dalawa.
Super sweet kasi ng mga nagiging palitan ng mensahe ng dalawa at may mga fans na nagsasabing tila nagiging insensitive na ang mga ito kay Jak Roberto.
Si Jak ang longtime boyfriend ni Barbie at aware ang mga fans sa relasyon ng dalawa kaya naman pakiramdam nila ay tila “walang preno” o “walang respeto” ang dalawa sa feelings ng Kapuso actor.
Samantala, wala namang komento ang dalawa hinggil sa isyung kinasasangkutan.