Matapos makopo ang korona bilang Miss Universe Philippines, inihayag ni Michelle Marquez Dee ang kanyang mensahe na hindi pa rin tapos ang kanyang laban, lalo na’t isasalang pa siya sa international stage ng Miss Universe pageant.
Sa kanyang IG, ibinahagi ng bagong Miss Universe Philippines ang kanyang “mindset” sa tuwing sumasali sa beauty pageant.
“It’s not done until it’s won. [sparkle emoji] That has been my mindset not just for this year but for all the times I joined Miss Universe Philippines,” sabi ng dalaga at dagdag niya, kahit kailan ay hindi naging madali ang kanyang mga ginagawang paghahanda sa mga kompetisyon.
“No matter how it looks, it was never and it never got easier to prepare for each time I would compete,” sabi ni Michelle.
Ang kanyang pagkapanalo raw ay isang patunay na laging may magandang resulta kung ito ay pinaghihirapan.
“Each year was full of hard work, sacrifices and risks that I hope pay off at the end. Winning this year validates not just to me but to every Filipino that with hard work, perseverance and passion, you can achieve anything,” saad ng dalaga.
Pero nilinaw niya na hindi rin niya makukuha ang inaasam-asam na korona kung wala siyang suporta na natatanggap kaya naman isa-isa niyang pinasalamatan ang mga taong hindi siya pinabayaan at iniwan sa kanyang pageant journey.
“Of course, I did not win this crown alone. I would like to thank the people who supported me through this journey [heart emoji],” saad niya.
Ayon kay Michelle, ang magiging laban niya sa El Salvador ngayong taon ay iaalay niya para sa bawat Pilipino.
“The next chapter of my pageant journey is no longer my own. It’s for each Filipino that I will be representing in El Salvador,” sabi ni Michelle. “Knowing this doesn’t just inspire me. It pushes me to work even harder and to dream bigger. It pushes me to do whatever it takes to bring home the Miss Universe crown to the Philippines [Philippine flag emoji].”