Hanggang ngayon ay nahaharap pa rin sa malaking suliranin ang ating mga magsasaka dahil bukod sa nagbabantang pagdating ng El Niño phenomenon sa bansa ay hirap na rin sila sa mga gastusin upang makapagtanim lamang.
Isa nga sa kinakaharap na problema ng ating mga magsasaka ay ang mahal na presyo ng mga patabang kinakailangan upang maging masagana ang ani nila pagdating ng anihan.
Kaya naman isang isang grupo ang humihimok sa Department of Agriculture (DA) na bigyan ng vouchers ang mga magsasaka pambili ng pataba o fertilizers imbis na bumili ng sako-sakong biofertilizers ang pamahalaan.
Ayon kay Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) chairperson Rosendo So, hindi dapat diktahan ng gobyerno ang mga magsasaka sa gagamiting pataba sa taniman.
Iginiit din ng grupo ang pagtutol sa isinusulong ng DA na pagbili ng biofertilizers dahil mas epektibo pa rin umanong pataba ang inorganic na urea fertilizers.
Ayon pa kay So, kuwestiyonable ang pagsusulong ng DA sa paggamit ng biofertilizers dahil malayo sa kasalukuyang P500 ang aktwal na presyo ng biofertilizers na ginagawa sa University of the Philippines – Los Banos ang itinakdang uying price ng DA na P2,000.
Hindi rin aniya tama ang nakalagay sa memorandum ng DA na P2,000 presyo ng inorganic na urea fertilizers, dahil nasa mahigit P1,000 lang ang presyo nito ngayon.
“Dapat yung memo na lumabas, hindi na P2,000 yung urea kasi dalawa yung controversial dyan. Kais yung urea ngayon nasa P1,250-P1,300 na lang,” sabi ni So.
“Tapos yung biofertilizer P500 lang, hindi P2,000. So dapat i-correct nila yung memo na lumabas para at least hindi pumunta sa fertilizer scam,” dagdag pa niya.
“Mag-set siya nang malapit sdoon sa presyo na ‘yun. Kunwari, yung urea, mag-set siya ng P1,400 para malapit doon sa actual price. And yung biofertlizer naman, mag-set siya ng P600 na malapit doon sa presyo ng P500,” sabi pa ni So.
Kailangan talaga ng masusing pag-aaral kaugnay sa gagamiting fertilizer ng ating mga magsasaka dahil hindi biro ang magagastos nila kung sakali.