Kinaaliwan ng mga netizens ang naging sagot ng aktres at fashion icon na si Heart Evangelista nang ma-interview siya ni King of Talk Boy Abunda sa programang “Fast Talk” dahil talaga namang matindi ang naging paliwanag niya ukol sa kanyang accessory.
Natanong kasi ni Boy Abunda ang suot niyang necklace na hugis-ahas at ayon sa host, hindi niya matanggal ang kanyang paningin sa kuwintas ng aktres na hugis ahas pero gawa ng Bulgari.
“Isa siyang ahas. To remind us na madaming ahas sa mundo,” saad ni Heart sa tanong.
Tinanong naman ni Boy Abunda kung kailan huling nakasalubong ng ahas si Heart, na diretso namang sinagot nito.
“Every day. Every day is a winding world. It’s a reminder that they can be your friends, too. And wear them as your accessories kapag kinatay mo sila,” sagot ni Heart.