Ibinunyag ng aktres na si Gabbi Garcia ang kanyang upang magkaroon ng “healthy relationship” sa mga mommies at ayon sa dalaga, ang pinakamaganda ay gawing parang bestfriend o kabarkada ang inyong mga ina.
Sinabi pa ng aktres na walang perpektong relasyon, ngunit importante pa rin na bigyan natin ng pagmamahal at respeto ang ating mga ina.
“I treat her like my Bestie or barkada, but also as the woman who has made my life possible,” sabi ni Gabbi.
At nitong nakaraan nga ay ibinunyag niya na ang kauna-unahan niyang “Beauty Bestie” ay ang kanyang ina na si Tes Lopez at ayon sa kanya, ang kanyang ina ang naging dahilan kung bakit natagpuan niya ang “best version” ng kanyang sarili.
Hanggang sa huli raw ay todo-suporta na ang nakukuha niya sa kanyang Mommy Tes.
“She’s a big part of who I am now, her presence alone has shaped my values, how I treat other people, and how I balance my time,” sabi ni Gabbi.
At bilang pasasalamat daw sa kanyang mahal na ina ngayong Mother’s Day, sinorpresa niya ito ng skin care products.
Inamin pa ng Kapuso actress na maliit na bagay lang itong ibinigay niya kumpara sa sakripisyo ng kanyang ina, ngunit alam niya na matutuwa na rito ang kanyang Mommy Tes.