Talagang super busy ngayon ang aktres na si Maja Salvador dahil bukod sa kanyang mga engagements at shows, hands-on din siya sa pag-aasikaso ng mga gagawin para sa nalalapit na kasal nila ng kanyang nobyong si Rambo Nuñez sa Bali, Indonesia.
Ayon sa dalaga, talagang halos every weekend daw ay lumilipad siya papunta sa kanilang destination-wedding venue.
“May mga kailangang ayusin, fitting-fitting. “Siyempre, once ka lang ikakasal, so, parang gusto mo na talagang maayos,” saad ni Maja.
Ang hindi lang nagawang ilihim ni Maja ay ang pagiging ninong ni Bossing Vic Sotto, na incidentally ay siyang kumuha sa kanya para bumida alongside him sa Open 24/7. Si Bossing na kasi mismo ang nagbisto dahil tila excited ito para sa kapareha.
Sa isang banda, naglabas ng official statement si Maja kamakailan na mawawala na muna siya sa Eat Bulaga. Ang isa sa dahilan na ibinigay niya ay ang pagiging abala sa ginagawa niyang paghahanda para sa kasal.
Pero may mga ilan ding bumatikos sa kanya na kung ‘yun daw ang dahilan, ano’t dalawa ang bago niyang TV shows na tinanggap? May Emojination siya sa TV5 at ito ngang Open 24/7 nga na produced ng M-Zet sa GMA-7.
“Matagal na ‘to, nauna ‘to,” patukoy niya sa TV5 show. “Ang Emojination, in-offer sa akin, six months ago, last year pa. Itong M-Zet, nag-inquire sila ng January. Pero first quarter na, matsi-check n’yo naman sa Instagram ko, palagi akong wala. Lagi akong lumilipad-lipad kung saan-saan. So, kami, ‘yun din, since magi-start na ‘tong Emojination, mag-start na ‘tong Open 24/7, kailangan ko munang (magbawas)…” paliwanag ni Maja.