Aminado ang sexy-drama actress na si Jela Cuena na naiirita at naririndi siya sa mga mahahaba at magdamagang pagbi-video call na ginagawa ng mga magkakakasintahab lalo na yong mga kakilala niya.
Ayon sa dalaga, may mga kaibigan umano siya na mahilig makipag-video call sa kani-kanilang d’yowa kahit pa nakasama na nila ang mga ito nang buong araw.
“Mga kaibigan ko ganyan. Ang dami kong kilalang ganyan. Naririndi ako,” saad ni Jela at dagdag niya, minsan ay nakakatulugan na umano ng mga ito ang pag-uusap sa gabi pero connected pa rin ang kanilang phones hanggang sa madaling araw.
“Alam mo ’yong magkasama kami ng friend ko, pag-uwi, naka-video call hanggang pagtulog na ’yon. Tapos ’yong makikita mong tulog na pero naka-video call pa din. ‘Hoy, matulog na kayo!” saad ni Jela.
“Sa kanila sweet ’yon ah. Nasu-sweetan sila doon. Pero para sa akin, I find it weird,” dagdag niya.
Aside from the fact na hindi naman daw siya clingy talaga, hindi rin daw siya nasanay sa ganu’ng way ng relasyon sa limang taon nila ng ex-boyfriend niyang AFAM o foreigner. Ito ’yong panahon before she entered showbiz.
Sa ganu’ng personality daw sila naging swak ng dati niyang boyfriend na British-Canadian dahil hindi rin ito clingy dahil nga lumaki ito sa ibang kultura.