Inamin ng aktres na si Ashley Ortega na hindi pa talaga siya ready na magmahal muli makaraang maghiwalay sila ng kanyang dating boyfriend na si Lucena City Mayor Mark Alcala.
Ayon sa dalaga, mas okay daw na mahal siya ng lalaki.
“Based on my experience at sa mga natutunan ko, mas okay din ‘yung mas mahal na mahal ka ng lalaki. Hindi ko rin masasabi kung mas mahal ko ba siya or mas mahal niya ako. It’s more of I learned things lang na it didn’t go well in the end. And natutunan ko rin na huwag nang masyadong mag-expect sa isang tao kasi sometimes you get disappointed if it didn’t happen,” saad ni Ashley.
Inilahad ng host na si Paolo Contis ang kaniyang pananaw na bilang isang babae, may karapatan din si Ashley na mag-expect sa kaniyang karelasyon.
“Medyo nag-change na ‘yung point of view ko sa ganiyan,” sabi naman ng “Hearts On Ice” actress.
Kasabay nito, inilahad ni Ashley na hindi pa muna siya handang pumasok sa isang relasyon.
“I don’t think I’m ready to commit to someone and ready to love. But I’m healed, I’m happy in life right now. Hindi ko lang kaya talagang mag-jump into another relationship. Siguro sa past relationship ko lang, I just learned, the typical line, na hindi mo puwedeng ibigay lahat, kailangan may natitira ka sa sarili mo,” saad ng dalaga.
Tinanong din ni Paolo si Ashley kung naibigay niya ang lahat sa relasyon sa dating nobyo.
“Oo naibigay ko ang lahat tapos in the end parang ubos na ubos ka na pala,” saad ng Kapuso actress.
Pero naka-move on na raw si Ashley.
“One thing I did also is acceptance, na tinanggap ko na lang na ganu’n siya, ganito ako, I did my part, naibigay ko naman lahat ng kaya ko. Kasi dumaan din ako sa phase na ‘I’m not good enough,’ ‘yung mga ganiyan. Pero siyempre it came into my senses. ‘Nasabi ko naman sa sarili ko na don’t do this to yourself, nagawa mo ‘yung part mo naman,’” saad ni Ashley.