Inalmahan ng aktres na si Kris Bernal ang isang netizen na nambash sa kanya kaugnay sa kanyang mga post sa journey niya bilang isang nagdadalang-tao.
Nagpost kasi ang aktres sa kanyang IG kung saan ibinalita niyang 26 weeks na siyang pregnant at habang tumatagal ay parami nang parami ang mga natututunan niya.
Mapapanood sa video si Kris habang nili-lip-synch ang sikat na linya mula sa “The Hot Chick” na “It’s me, Jessica. I’m in here!” kasabay ang pagturo sa kanyang lumolobong baby bump suot ang kanyang pink bikini.
Sabi ng aktres sa kanyang caption, “Same fit but add another human (pregnant woman emoji). A little fun #26weeks bump update.”
Habang papalapit na sa last week ng kanyang second trimester, nagbahagi ang “StarStruck Season 4” alumna ng ilang detalye sa kanyang pregnancy journey na nakaagaw ng pansin ng mga netizens.
“Baby is moving around like a gymnast” at halos hindi na raw niya makita ang kanyang “vagina” dahil sa patuloy na paglaki ng kanyang tiyan.
“Linea negra and pink streaks in my belly become more noticeable. I can barely see my vagina or anywhere beneath my belly. Having the wildest, weirdest dreams of my life with night sweats. Experiencing pregnancy insomnia that comes with anxiety and worries. And, just most of the time I’m in zombie mode! The list goes on,” saad ni Kris.
Sa kabila nito, feeling niya, “so blessed to experience this and this baby girl is already filling our days with so much love and hope. Thanks for the outpouring of love y’all.”
Isang netizen ang nagtanong sa aktres ng, “Blessing yan. Parang pinagsisihan mo?”
“Read the caption po. Blessed for the miracle of life, for what my body is doing, and loving my bump in this season which means my baby is growing! It doesn’t make you a bad mama or ungrateful to have feelings that aren’t always sunshine and rainbows!” sagot ni Kris.