Inamin ng aktres na si Bea Alonzo na talagang natuwa at nasiyahan siya sa kanyang unang pagsabak bilang isang theater actress at sa kanyang IG ay ipinakita ng dalaga ang ilang eksena ng kanyang pag-arte sa entablado.
“In my theater era [emojis] I truly enjoyed performing on stage last night for the first time with the best people in the industry,” saad ni Bea sa caption.
“I greatly respect everything they do to preserve the Philippines’ culture and arts,” dagdag niya.
Makikita naman sa post ang ilang komento ng ilang co-stars ni Bea sa nasabing theater show at inihayag ang pagka-proud sa aktres.
“Yessss!!! Had so much fun on that stage! Hope to see you back on stage soon? [emojis],” comment ni Markki sa post.
Saad naman ni Kakai, “THE ELSAAAAAAAAAAAA MONTES!!!!!! [smiling face with heart eyes emojis] I’m SO PROUD OF YOU!!!!”
Naging parte si Bea ng star-studded cast ng “Ang Larawan: The Concert.”
Nakasama niya riyan sina Jericho Rosales, Karylle, Markki Stroem, Kakai Bautista, Kakki Teodoro, Aicelle Santos, at ang dalawang premyadong actress na sina Mitch Valdez at Nonie Buencamino.
Ang nasabing play ay para sa pagdiriwang ng “The Order of National Artists of the Philippines.”