Aminado ang sexy actress na si Robb Guinto na hindi niya ma-gets kung minsan kung bakit kapag may nakitang isang Pinay na may kasamang foreigner ay iba na agad ang tingin ng mga tao at iba na rin ang pakahulugan nila.
Nasabi ito ng dalaga sa isang mediacon ng Vivamax offering na “AFAM” na tumatalakay sa iba’t ibang kuwento tungkol sa mga Filipina na nai-in love at nakikipagrelasyon sa mga foreigner.
Bukod kay Robb, kasama sa pelikula sina Jela Cuenca, Nico Locco, Alexa Ocampo, Katya Santos, Giselle Sanchez, PJ Rosario at Roi Alonte, mula sa direksyon ni Linneth Zurbano
“It cannot be denied namang marami talagang Pinay na gustong makarelasyon ng afam. I hope our film will open the eyes of people who look down on Pinays with foreigners for a partner. Ang hirap kasi sa ibang tao, kapag nakita in public na ang isang Pinay may kasamang foreigner, ang tingin agad, pokpok ‘yan, nangunguwarta lang ‘yan,” sabi ni Robb.
“We should not be so quick in making judgments, kasi we don’t really know what’s going on between them. Baka naman may love talagang namamagitan sa kanila. We don’t really know who is exploiting who. It’s a case to case basis. Sometimes the Pinay is the victim and sometimes it’s the afam,” dagdag pa niya.
“Ang pangit lang agad kasi ng tingin ng ibang tao. Nanghuhusga agad na pumapatol ang Pinay sa afam for economic or financial reasons. Ako, nagkaroon ng foreigner na boyfriend kasi hindi niya ako tinantanan hanggang hindi maging kami. Naging malaki ang impact niya sa buhay ko. Maalaga siya, pero ayun, naghanap siya ng ibang putahe, so yun ang aming naging problema and we broke up,” sabi pa ng dalaga.