Hindi pinalampas ng aktres na si Alexa Ilacad ang ilang mga toxic comments na nababasa niya mula sa mga bashers niya na maging ang kanyang fashion at pananamit ay talaga namang pinupuna.
May isang netizen kasi ang nagsabi na kaya umano nababastos ang dalaga ay dahil “kabastos-bastos pananamit mo.”
Mabilis na hindi sumang-ayon si Alexa at sinupalpal ang nagkomento nito sa kanya.
“No, kaya kami nababastos kasi bastos ka,” saad ng dalaga. “Mas marami pang naging sakuna ang body positivity kasi sinasabi na okay lang ang maging malnourished at obese.”
Dagdag ng aktres, hindi basehan ang hubog ng katawan at itsura upang masabing malusog ang isang tao.
“I guess a lot of people really lack reading comprehension or lack a better understanding of context,” sabi ni Alexa. “The people don’t really promote that, ‘oh you should be obese,’ ‘you should be this is how it is now so we’re promoting this.’ It’s not that ‘cause wala sa size, wala sa itsura ang pagiging healthy.”
“Kung hindi ka doctor ng taong ‘yun, I don’t think you shouldn’t be making any comments about other bodies,” dagdag niya.
Na-high blood naman ang Kapamilya actress nang mabasa niya ang isa pang komento na, “Nag-two piece ka pa eh ang taba taba mo naman.”
“Nakaka-beastmode!” sabi ni Alexa. “Oh my God, ano ang pake natin kung ano ang gustong suotin ng tao…Bakit tayo nakikialam sa suot ng ibang tao.”
“Hindi naman tayo ang nagpapakain sa kanila, hindi naman tayo ang bumili ng damit nila, hindi naman ikakasira ng buhay mo kung nag-two piece sila. So why the violent reactions? Let people enjoy this,” dagdag pa niya.
“‘Yung mga swimsuits ko honestly is always one piece, wala namang kita kasi prefer ko ‘yun. So when I read the [hate] comment, I was fuming mad, like, alam niyo ‘yung cartoons na lumalabas sa ears niyo ‘yung hangin at sa nostrils, ganun ‘yung naramdaman ko,” sabi niya.
Paliwang pa niya, “Kasi napaka-toxic, napaka-shallow ‘nung ganung thinking and siya ang bastos!”