Nagpaabot nitong nakaraan ng mensahe ang aktres at TV host na si Kim Chiu para sa kanyang bestfriend na si Bela Padilla para sa kanyang kaarawan at talaga namang ramdam ang kasiyahan ng dalaga sa kanyang pagbati.
Sa kanyang FB, ibinahagi ni Kim ang ilang happy moments nilang dalawa.
“Happy happy birthday to my sister from another father! My taurean twin, momsy bely! [emojis],” sabi ni Kim sa caption.
Lubos ang pasasalamat niya dahil naging mabuting kaibigan si Bela para sa kanya.
“Thank you for being a great friend, amazing person, and thank you for the random hangout and chikahan that end up being the best moment ever!!!!!,” saad ng dalaga. “I’m thankful dahil nakapag-avail ako ng sa unli-laughter sa friendship na ‘to, always love our random hang out, I love it when you drive and ako pasahero, endless kwentuhan and etc [red heart emoji].”
“I love you, momsy! Stay kind, sweet, humble, and loving person that you are. You have such a pure heart I’m lucky to witness and experience that,” sabi pa ni Kim.
Inihayag din ng TV host ang kanyang pagkahanga sa aktres na tila nagiging all-around pagdating sa paggawa ng pelikula.
“Also proud of you being a director, writer and actress at the same time! [clapping hands emoji] handsdown to the queen!!! [crown emoji] Have a blast today.[red heart emoji] Happy Birthday Purest girl momsy @bela [cake emoji],” lahad ni Kim.
Sa hiwalay na Instagram post naman ay nagpasalamat si Bela sa lahat ng mga bumati sa kanyang kaarawan.