Inamin ng Pinay beauty queen na si Celeste Cortesi na marami pang opportunities na darating sa buhay niya pagkatapos maipasa ang kanyang korona sa tatanghaling Miss Universe Philippines 2023.
Ayon sa dalaga, “the best is yet to come” habang papalapit na ang pagpapasa niya ng titulo at korona sa susunod na reyna at sa kanyang IG ay nagbahagi ang dalaga ng mensahe para sa kanyang “crowniversary,” kung saan ibinandera niya ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng taong naging bahagi ng kanyang pageant journey.
“To one year of carrying the crown with strength, dignity, and grace. Thankful for the people that have been with me and supported me unconditionally,” ang simulang bahagi ng IG post ni Celeste. “Most of all, thankful for my fans. Your love for me is never-ending and my heart is full of joy and gratitude.”
Sa huling bahagi ng kanyang IG post, tinanong pa ni Celeste ang kanyang fans and followers kung sino ang bet ng mga ito sa mga kandidata this year para manalong Miss Universe Philippines 2023.
“The best is yet to come and I cannot wait to share my journey with all of you. Few days before I crown my successor, who’s your bet for the crown?” pahayag pa ni Celeste.
Magaganap na ang Miss Universe Philippines 2023 grand coronation night sa darating na May 13 sa Mall of Asia Arena, Pasay City.
Ilan sa mga rarampa at makikipagbakbakan on stage ay ang mga dati nang sumali sa pageant tulad nina Michelle Dee at Pauline Amelinckx, na mga naging runners-up last year.