Aminado ang aktres na si Xyriel Manabat na ready na siyang sumabak sa pagpapaseksi at sa mga mas mature and daring na roles at ayon sa kanya ay panahon na umano na ipakita ang kanyang versatility as an actress.
Pero kahit handa na siyang tumanggap ng mga ganoong klaseng roles ay dedepende pa rin sa materyal na iaalok sa kanya kung dapat bang magpakita ng skin o katawan at kailangan daw meron itong relevance sa tema at istorya.
“Kung necessity po siya. Pero if just because magpapa-sexy lang and walang relevance sa story or kind of character sa role, then it’s a no. Kung hindi naman kailangan (magpa-sexy), then I don’t see the need to do so,” sabi ni Xyriel, na mapapanood ngayon sa hit TV series na “Dirty Linen.”
“Gusto ko pong makita ng viewers ‘yung dedication ko sa craft, and the way I give justice to my roles. Gusto ko pong iyon ang nano-notice nila,” dagdag niya.
May saloobin rin siya kaugnay sa mga bashers niya.
“I can’t be a hypocrite na sabihin na hindi ako affected kasi meron at meron po akong feelings at hindi po puwedeng maging unfair ako sa emotions ko pag nakakabasa ako ng mean comments. I want to be fair with myself. Minsan unintentionally po nakakabasa ako ng negative comments and every time nagri-read ako, yung mga good comments, talking about sa mga episodes ng Dirty Linen kasi gusto ko makita kung ano yung take nila sa performance ko, gusto ko makita kung ano yung babaguhin ko po,” sabi ng dalaga.
“If it’s about an opinion or unnecessary comments about my public posts, no na po. Gusto ko i-guard yung mental health ko,” dagdag niya.