Nitong nakaraan lamang ay nagpakilig ang singer-actress na si Julie Anne San Jose kasama ang kanyang nobyong si Rayver Cruz sa panayam ni Bea Alonzo sa kanyang vlog na nasa YouTube na.
Aminado si Bea na talagang kinikilig siya sa dalawa, at nagpakuwento siya kung paano nga ba nagsimula ang love story ng dalawa.
“Bro nga ang tawag niya sa akin tapos naging Ray na, tapos si Rodjun naging kuya RJ na,” pambubuking ni Rayver habang tawa nang tawa si Julie Anne.
“Malaking tulong ba na naging mag-bestfriend muna bago naging kayo?” sunod na tanong ni Bea.
“Oo, kasi hindi ko na kailangang magpa-impress, kung ano ang nakilala niya sa akin noon hanggang ngayon ganu’n pa rin ako,” sagot ng binata.
Paano naman ilalarawan ni Julie Anne si Rayver?
“Si Ray kasi he’s such a nice person, he’s easy to get along with, napakabait, napaka-humble, parang lahat ng characteristics ng mabuting lalaki nasa kanya na,” sabi ng dalaga. “Para akong nakakita ng opposite version (ko) na babae lang siya na naging lalaki parang iisa kami.”
Wala rin daw matinding pinag-aawayan ang dalawa puro petty quarrels lang sabi ni Julie Anne.
Natanong naman si Julie Anne kung ikokonsidera niyang cheating kung may komunikasyon pa sila sa kanilang mga ex.
“I think it’s just weird! Kasi pag ex na, ex na. Puwedeng like casual ganu’n (or) civil. Pero kung close-close ay parang it’s just weird,” sabi ng dalaga.
Confident naman si Julie Anne sa boyfriend niya.
“Alam ko naman kasing hindi siya papatol or nasa tao talaga ‘yun. Intuition ng isang babae, usually tama. Pag kasi may balik from your partner, ibang usapan na ‘yun,” sabi pa ni Julie Anne.