Nitong nakaraan ay sinorpresa ng aktor na si Marco Gallo ang aktres na si Heaven Peralejo noong pumirma ito ng kontrata Viva Artists Agency (VAA) kaya naman maraming mga netizens na ang naniniwala na nag-level up na ang estado ng kanilang relasyon.
Bigla kasing dumating ang aktor noon na kasama rin sa VAA kaya magkatambal sila ngayon sa latest digital series na “The Rain in España” na mapapanood sa Viva One streaming platform.
Una silang nagkatagpo at naging close bilang mga housemates sa “Pinoy Big Brother: Lucky 7” na umere sa ABS-CBN noong 2016.
Nakatanggap ng anim na white roses ang dalaga with matching “love letter” at binasa ni Heaven sa harap ilang members ng entertainment press ang laman ng sulat.
“A bouquet of white roses is a subtle and thoughtful way to express yourself when words fail and can also symbolizes a new beginning and unconditional love. So in these next couple of years, in those moments we will be filled with obstacles, always remember you always have someone beside you who will truly understand you for who you are,” saad ng sulat.
Ngayong nasa pangangalaga na siya ng VAA, asahan daw na marami pa siyang gagawing mga bagong proyekto na ikagugulat ng kanyang mga fans. Bukod sa akting, sasabak na rin si Heaven sa pagre-recording with Viva Music.
Sabi naman ni Boss Vic del Rosario, kung ano ang narating nina Sarah Geronimo, Anne Curtis, Cristine Reyes at ng iba pang pambato ng VAA, ay posible ring maraming ni Heaven, “Like her name, hanggang langit ang mararating ng kanyang career.”
“Sobrang excited ako sa bagong chapter ng life ko, na mabibigyan ako ng chance to explore,” reaksyon naman ni Heaven.