Mariing pinabulaanan ng vlogger at social media personality na si Madam Inutz ang kumakalat na tsismis na pumanaw na siya at sa kanyang FB page ay nilinaw niya na siya ay buhay na buhay pa at fake news lang ang sabi-sabi na tegi na siya.
“SA MGA NAG BABALITANG PATAY NAKO T*NG*NA NYO MAUUNA PA KAYO SAKIN!!” gigil na sabi ni Madam Inutz. “NAG USAP NA KAMI NI SAN PEDRO KAYO ANG FIRST LIST NYA.”
Tawang-tawa naman ang mga netizens sa status update ni Madam Inutz kaya hindi nila mapigilan ang magbigay komento ukol rito.
“ANNOUNCEMENT: sa lahat po ng gustong magpa MURA ke madam,maaari lamang po na wag kayo mag unahan..lahat po kayo eh mamu MURA…subalit sa kadahilanan na sobrang dami nyo po ngaun,,sa mga HINDI po mamu MURA ngayon eh umasa po kayo na bukas eh kayo po ang UNANG UNANG PAGMUMURAHIN! Maraming salamat po sa inyong pang unawa,” aliw na saad ng isang netizen.
Bukod rito, trending ring ang social media personality dahil sa post nito hinggil sa bill na kanyang dapat bayaran.
Tila marami kasi ang nakaka-relate sa struggle niya sa pagbabayad.
“WALA TALAGA AKONG KARAPATAN MAGPAHINGAAA !! SA LAKI NG BILLS KO,” sabi sa post ni Madam Inutz.
Umabot lang naman ng halos P33,000 ang kanyang electric bill na ikinaloka ng mga netizens.