Inamin ng aktres na si Yasmien Kurdi na minsan ay may pagka-weird siya as a person at sa kanyang IG, ibinahagi niya na bata pa lang siya ay napapansin na ng mga tao ang ganitong side niya.
“Bata pa lang ako naalala ko tinatawag na nila akong ‘weird’ ng mga classmates ko and friends from highschool at college,” sabi ng dalaga at dagdag niya, hindi raw ito nawala at hanggang noong pasukin niya ang mundo ng showbiz.
“Hanggang pumasok ako sa showbiz na akala kong mas maraming weird and out of this world mag isip na tao, pero weird pa din ang tingin nila sakin,” sabi ni Yasmien. “Minsan tinatawag nila akong ‘krung krung’, ‘scaredy’, ‘weirdo’ at kung ano ano pa… Lagi nila ako pinagtatawanan (ng mga katrabaho ko) pero di ko alam kung bakit.”
Inisip pa nga ni Yasmien na baka hindi lang siya trip o gusto ng tao kaya tinatawag siyang weird. Nakikita rin niya sa mga mata ng mga ito na iba ang tingin nila sa kanya at altam niyang pinag-uusapan ng mga ito ang pagiging weird niya.
“Pero eventually I embraced my weirdness, siguro dahil doon kaya ako artista haha!” sabi ng dalaga.
Nagbigay rin ng payo ang aktres sa mga batang kasalukuyang nakakaranas at tinatawag ring weird kagaya niya.
“Kaya kids, wag kayo ma bother kung may tumatawag sa inyong ‘weird’ because we are all unique in our own way. Wag mo iyakan yan tulad ko noon. Di mo kailangan i-meet yung ‘standards’ ng society. Make sure lang na wala kang tinatapan na tao at mabait ka sa lahat. Be proud of your uniqueness at weirdness,” sabi ni Yasmien.