Inihayag ng isang opisyal ng National Telecommunications Commission (NTC) na malabo na umanong magkaroon pa ng pangalawang extension ang SIM card registration sa bansa matapos payagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes ang 90 araw na extension nito.
Ayon kay NTC deputy commissioner Jon Paulo Salvahan, ang pagpapalawig ng Pangulo para sa SIM registration ay ang huling extension na ibibigay para sa publiko at dagdag niya, pinayagan ang 90-day extension ng SIM card registration para bigyan ng pagkakataon ang mga nahirapan sa pagpapatala na ayusin ang kanilang mga requirements.
“Yun po yung tinitingnan po natin na main consideration as well as yung mga naging issues and concerns po nila. Kung may mga nagsasabi po noon na they lack the necessary government-issued IDs, so we think po that by giving them this 90 day period of extension, they will be able to secure those necessary IDs and address all other concerns like yung they’re not really that tech-savvy or they’re really not literate in registering,” sabi ni Salvahan.
Ayon sa opisyal, may 87.4 milyon nang rehistradong SIM card sa bansa base sa datos nila noong April 24.
Hinikayat ni Salvahan ang publiko na i-register na ang kanilang SIM cards sa lalong madaling panahon.
“We consistently remind the public to please register. Ito nga, for the last two days before the deadline was announced we’ve seen a sharp increase in the number of registrants. Three days ago it was 2.4 million, yesterday or the other day it was 4.4 million,” sabi ni Salvahan.
“So if you are minded to register your sim, we urge you to register na po this early. Please do not wait for the deadline,” dagdag niya.