Hindi pinalampas ng aktres na si Kylie Padilla ang pambabash sa kanya makaraang mapabalitang may gagawin daw itong project kasama si Enrique Gil at ang pelikula ay produced umano ng GMA Pictures.
Bagama’t wala pang kumpirmasyon ay nagdulot ng excitement ang balita pero siyempre, meron pa ring mga negazens na hindi matanggap ang balita kaya naman nagpapakawala na lang sila ng mga walang kuwentang comments.
Isang basher kasi ang ipinagdiinang “banong starlet” talaga si Kylie.
“@kylienicolep masama ba na sabihan kitang banong starlet? Bwahahahaha!” ang hirit ng hater sa kanyang tweet.
Sinagot ng aktres ang basher: “Of course you have the right to your opinion (white heart emoji)” at nag-tweet muli si Kylie nang mabasa ang mga reaksyon ng fans na nagtanggol sa kanya.
Sabi ni Kylie, wala talagang issue ang pagtawag sa kanya ng “banong starlet” at tanggap niya na may mga taong hindi siya gusto.
“Ako ay nagtatrabaho lamang. Wag nyo po masyado istressin ang sarili nyo. all love and peace. And thanks to everyone who feels like they have to defend me. Luckily I’ve developed a thick skin from showbiz pero naappreciate ko kayo each and everyone of you,” mensahe pa ng Kapuso actress.
Ni-retweet pa niya ang isang kasabihan na may konek sa pang-ookray sa kanya, “Nothing and no one is worth your mental health.”