Maraming mga netizens ang bumilib sa aktres na si Barbie Forteza makaraang sagutin niya ang katanungang kung papipiliin siya between love o career dahil ang sinagot ng dalaga ay “Sarili ko.”
Nitong nakaraan kasi ay nakipag-bonding kasi ang aktres sa kanyang mga Twitter followers kung saan hinayaan niya itong tanungin siya ng mga bagay-bagay using the hashtag na “#AskBarbie”.
Marami sa mga netizens ang agad na nag-usisa sa mga ganap ni Barbie sa ngayon dahil natapos na ang “Maria Clara At Ibarra” at kung ano ang next projects nito.
Ngunit ang isang tanong ng netizen ang talagang nag-trending kung saan pinapili niya ang dalaga kung love ba o career.
“Sarili ko,” maikling sagot ni Barbie.
Alam naman ng publiko na masaya at in a relationship ang dalaga sa kapwa Kapuso actor na si Jak Roberto at malapit nang mag-six years ang kanilang relasyon sa susunod na buwan.
At lately nga ay nagiging matunog ang pakikipag-love team ni Barbie sa kapwa Kapuso star na si David Licauco na nagsimula noong marami ang naka-appreciate sa kanilang pagtatambal sa teleseryeng “Maria Clara At Ibarra”.
Dito nga pinatunayan ng aktres na kahit na masaya siya ngayon sa kaniyang love life at talagang pak na pak ang career, hinding-hindi siya magdadalawang isip na piliin ang sarili sakaling magkandaloko-loko ang lahat.
Sa kabila ng mga positibong komento ay may mga ng-iintriga kung sila pa rin ba ni Jak.
Mukha namang going strong pa rin ang dalawa dahil naka-follow pa rin sila sa isa’t isa at nandoon pa rin ang larawan ni Barbie kasama ang dyowa sa kanyang Instagram page.