Naoperahan na pala ang aktres na si Miles Ocampo dahil sa na-detect na may problema siya sa kanyang thyroid glands at kung hindi pa umano siya nagpa-opera ay baka raw lumala na ang health condition ng dalaga.
“After I got the right treatment, I’m feeling okay now. But at the time I was taping for ‘Batang Quiapo’, I was always feeling very tired. It’s like someone was strangling me at ang bilis kong hingalin. Tapos, I’m putting on excess weight,” sabi ni Miles sa isang panayam.
“So I had a blood test and they said it has something to do with my thyroid glands. So nagpa-ultrasound ako, may growth daw, so nagpa-biopsy naman ako. The doctor said na kailangang siyang tanggalin,” dagdag niya.
Dahil sa medical procedure na ginawa sa kanya, kinailangan ni Miles na tumigil muna sa pagtatrabaho.
“Siyempre, I should give priority to my health. It’s good na-detect nga agad and I had my surgery to remove it. Kasi, kung tumagal-tagal pa raw, it could have gotten worse,” sabi ng dalaga.
“My body responded well, pero may isa pa raw procedure na dapat gawin sa akin later, and after, I will just take maintenance medicines to make sure my thyroids will be okay. Madali naman akong naka-recover. Kasi after that, I attended the press preview of ‘About Us But Not About Us’ sa Gateway with Elijah and later, he attended naman the premiere night of my movie, ‘Here Comes the Groom’, sa SM Megamall. Pareho kasi kaming may entry sa summer filmfest,” dagdag niya.
Bukod kay Lord, nagpasalamat din siya sa kanyang pamilya, sa mga doktor, kay Elijah, sa kanyang “Eat Bulaga” family at sa mga fans na patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanya.
“They all made me feel loved, that I’m not at all alone in my journey. I’m really touched kasi people I don’t even know sent me get well messages on social media, so I also want to send my love to everyone,” sabi pa ni Miles.
Super busy ang dalaga nitong mga nagdaang buwan dahil sunud-sunod ang ginawa niyang projects kabilang na ang Kapamilya series na “Batang Quiapo” at ang entry nila sa 1st Summer Metro Manila Film Festival na “Here Comes the Groom”.
Bukod dito, ipalalabas na rin sa mga sinehan sa darating na April 26 ang isa pa niyang movie, ang “Papa Mascot”, na pinagbibidahan ng Kapuso drama actor na si Ken Chan.