Hindi na naitago ng social media influencer na si Zeinab Harake ang kanyang labis na kasiyahan matapos malaman na magtatapos bilang valedictorian ang panganay niyang anak sa pre-school.
Sa kanyang vlog, ibinahagi ni Zeinab na talaga namang proud na proud siya dahil ito ang kauna-unahang graduation na kanyang pupuntahan bilang isang magulang.
Noong una ay hindi alam ni Zeinab ang achievement ng anak dahil inilihim ito sa kanya ng kanyang kapatid na si Rana Harake.
“Mayroon kaming isang surprise kay Zebby which is si Lucas is valedictorian sa school nila and hindi alam ni Ate ‘yon. Gusto ko habang naglalakad si Lucas ay doon niya marinig at doon niya ma-realize na valedictorian ‘yung anak niya. Isa itong malaking gift sa amin at kahit ako kinikilabutan pa rin ako kapag sinasabi ko,” sabi ni Rana.
Saludo naman ang kapatid kay Zeinab dahil isa ito sa dahilan kung bakit lumaking magaling ang kanyang anak.
Makikita naman na super happy ang vlogger sa bagong milestone ng anak at masaya itong makita na nakatanggap ito ng napakaraming awards.
“Ang galing! Valedictorian ang anak ko!” saad ni Zeinab na talagang nagulat sa magandang regalo sa kanya ng anak. “Hindi man ako sinuwerte sa ibang bagay ng buhay ko pero pagdating sa anak, wala akong masabi. Proud. More than proud ang nararamdaman ko.”
Maluha-luha pa nga ang influencer habang pinapanood ang anak na nagbibigay ng kanyang speech sa stage bilang valedictorian.
“To my mommy, thank you for your sacrifices, for providing [for] me and to Bia. Please know that we love you with all our hearts,” mensahe ni Lucas sa kanyang Mommy Zeinab.