Sa nangyayaring kaguluhan ngayon sa bansang Sudan, aminado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na talagang malaking problema sa paglilikas ng mga Filipino mula sa Sudan ang kawalan ng magagamit na airport doon.
“Malaking problema natin sa Sudan. We have about 300 people in Sudan. Unfortunately, none of the airports are functioning. They are still under fire. Also, we cannot ascertain a secure land route for them to leave,” saad ni Marcos sa isang pahayag.
“It is a long road from Khartoum to Cairo which is where our embassy is, that is in charge also of Khartoum and Sudan. But we are already preparing the assets that might be involved. We are just waiting to get better information as to whether or not it will be safe to bring our evacuees out of Khartoum, perhaps into Cairo,” dagdag niya.
Kung matatandaan, matapos ang matagumpay na kudeta ng militar noong 2021 at naglalaban naman ngayon ang dalawang heneral — ang Army chief at ang kaniyang dating deputy.
Una rito, umapela ang ilang Pinoy sa Sudan na tulungan na silang makaalis dahil sa tumitinding sagupuan ng dalawang grupo.
Mayroon umanong mahigit 80 Filipino sa Sudan ang nais lang na makaalis mula sa kaguluhan at ilipat sa ibang lugar. Habang 49 na iba pang Pinoy ang gusto nang umuwi sa Pilipinas.
Nagkakaubusan na rin umano ng makakain sa ilang lugar doon. Nangako naman ang Department of Foreign Affairs, na prayoridad nila na mabigyan ng pagkain at iba pang pangangailangan ang mga Pinoy na naiipit sa kaguluhan.
Inaasahan ng DFA na maisasagawa sa susunod na linggo ang paglilikas ng mga Pinoy mula sa Sudan. Hinikayat nila ang mga Pinoy sa Sudan na makipag-ugnayan sa kanila o sa embahada.
Sana lamang ay makahanap na ng solusyon ang pamahalaan upang ma-repatriate ang ating mga kababayan mula sa Sudan upang mailigtas ang mga ito mula sa lumalalang kaguluhan.