Hindi inatrasan at talagang pinalagan ng singer-actress na si Geneva Cruz ang mga bashers na hindi tumitigil sa pangnenega sa kanya sa kanyang mga sexy photos sa social media.
May bagong post kasi ang aktres sa IG kung saan kasama niya ang kanyang anak na si London Cruz at ilang mga kaibigan at base sa caption, nagbakasyon sila sa isang isla.
“With my long-legged baby girl @londonleecruz and our friends. #islandgirltravelerph,” sabi ni Geneva sa kanyang caption.
Kahit maraming pumuri at nagkomento ng positibo sa mga post ng singer, may isa talagang netizen ang pumuna sa palaging pagbabahagi ni Geneva ng mga bikini photos niya sa socmed na halos kita na raw ang kanyang private parts.
“Buti ang anak mo hindi nag babandera ng katawan niya. Hindi nagpapakita ng puwit sa madlang people,” sabi ng basher.
Bwelta naman sa kanya ni Geneva, tumingin daw muna sa salamin ang naturang netizen bago siya magsalita at makialam sa buhay ng ibang tao.
“Aww… Putting me down because it makes you feel good. Look at yourself in the mirror and try to realize if your attitude is better than my flaunting of the body I work hard for,” sagot ni Geneva. “I feel sorry for you. Compassion is an important trait to have in this world.
“Shaming me and comparing me to my 8-year old daughter is the lowest of the low. I feel sorry for you. Have a good life. I mean it,” dagdag pa niya.
Kasunod nito, ipinost din ng aktres sa kanyang FB page ang screenshot ng pang-ookray sa kanya ng basher. Sabi ni Geneva, mas na-hurt daw siya sa komento ng netizen dahil death anniversary ng nanay niyang si Marilyn Cruz.
“Aww… Lani L. Lazo, nanay ka? It’s my mom’s death anniversary today… you could’ve been more compassionate kasi unnecessary yung comment mo. God bless you,” ang mensahe pa ni Geneva.
“She chose to be rude instead of being compassionate. Bullies like her must be stopped. I will continue educating people on social media. Ang saya-saya ng buhay ba’t kailangan makialam sila ng di nila problema at di problema. I said it before, and I’ll repeat it again: I will wear whatever I want until my boobs are down to my toes; if you have a problem with that, leave my site. Respectfully,” sabi pa niya.