Inamin ng aktres na si Kathryn Bernardo na excited na siya sa upcoming movie na “A Very Good Girl” kung saan kasama niya ang “Dirty Linen” star Dolly De Leon at maging ang fans ng dalaga ay excited na rin sa pelikula.
May isang social media post kasi na lumabas kung saan magkasama ang dalawa sa isang dinner recently at kasamang nakunan sa photo na kumalat sa social media ang director na movie nila na si Petersen Vargas kasama ang cinema creatives and production team na pinangungunahan ni Carmi Raymundo, creative manager for “A Very Good Girl”.
Sa isang panayam, sinabi ni Kathryn kung bakit pinili niya ang movie with Dolly.
“Noong nag-pitch sila, marami silang pinitch and it was very hard for me to pick because lahat Maganda talaga. So, tinanong nila ako. ‘Ano ‘yung naramdaman mo sa mga pinitch?’ Eto talaga ang nasa utak ko, but then gusto ko ring marinig ang mga opinion kasi nakita ako ng mga ito, tumanda ako literal sa harap nila so they know what’s best for me. Ano ba ang kailangan kong gawin after ‘Hello, Love Goodbye’,” sabi ni Kathryn.
“Ang tagal na rin ‘yung ginawa kong last movie. And then we picked this. Ang tanong ko talaga, sino ang perfect character na nagpo-portay nitong kung anuman ‘yung role. Sino ang na-imahgine ninyo and then they mentioned Dolly de Leon. Sabi ko talaga, kaya ba sa schedule niya or will she agree to do the project,” dagdag niya.
“Lahat kami, fingers crossed, sana maayos. Just yesterday, sabi ko, confirmed na ba si Ms. Dolly de Leon. Sabi niya, nag-yes na daw si Ms. Dolly. Wow! What an honor. For sure, marami akong matututunan sa kanya. I can’t wait to meet her again kasi sinabi niya pal ana nagkasama na kami years ago when I was younger. Before pa, that was very short lang. so now I’m looking forward na mas makatrabaho siya nang mas matagal, at mas makilala siya,” sabi pa ng dalaga.