Inihayag ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPi) nitong Biyernes na hindi pa umano gaanong tumataas ang bilang ng mga naoospital dahil sa COVID-19 sa bansa sa kabila ng pagtaas ng mga kaso nito, ayon sa isang grupo ng mga ospital.
Ayon kay PHAPi president Dr. Jose Rene De Grano, karamihan sa mga naoospital ngayon dahil sa COVID-19 ay mga may comorbidities.
“Ganoon pa rin po, medyo ang hospitalization rate natin hindi naman masyadong tumataas ano, kung meron man ay usually ang mga tinatamaan po niyan ay yung mga with comorbidities,” sabi ni De Grano.
“Talaga lang pong ina-advise sila na magpa-monitor muna sa ospital, pero karamihan po sa nagpa-positive, ang sinasabi po natin ay kung pwedeng sa bahay na lang sila magpapagaling dahil hindi pa po kailangan silang i-confine,” dagdag pa niya.
Ayon pa sa doktor, kaya pa rin ng mga ospital na tumanggap ng mga pasyenteng may dengue.
“Ang dengue, yan ang preventable. At kahit saang kuwarto pwede niyo ilagay,” paliwanag niya.
“Ito pong mga dengue, siyempre ang nakakatakot lang po pagka meron mga bleeding, tsaka yung may mga symptoms na medyo sa tingin nati’y nakakasama sa mga tinatamaan po nito,” sabi ni De Gramo.