Nilinaw ng aktres na si Sue Ramirez na wala umano silang problema ng kanyang boyfriend na si Victorias City Mayor Javi Benitez at sa kanyang IG ay nagbahagi ang dalaga ng isang sweet na mensahe.
“Sunsets with my palangga,” saad ni Sue sa kanyang caption, na sinagot naman ng mayor na “Sunsets are always the best with you.”
Base sa larawan, magka-holding hands ang dalawa kaya naman tinuldukan na ni Sue ang mga haka-hakang nagkakalabuan na sila ng kanyang nobyo.
Kung matatandaan, kumalat ang balitang “on the rocks” o may pinagdaraanan sina Mayor Javi at Sue dahil sa naging cryptic post ng huli na “You deserve someone who is sure of you”.
Marami naman sa mga netizens ang tuwang-tuwa sa bagong update ng dalaga at sa pagpapatunay nitong going strong pa rin ang kanilang relasyon.