Aminado ang cosplayer at influencer na si Alodia Gosiengfiao na ready na siyang bumuo ng pamilya kasama ang asawa niyang si Christopher Quimbo at ayon sa kanya ay excited na siyang magkaroon ng anak.
“Siyempre… Hopefully one girl and one boy. I’m excited because I wanna dress them up,” sabi ni Alodia.
Excited na rin daw si Christopher na turuan ito ng iba’t ibang bagay at makipag-bonding sa mga ito gaya ng paglalaro ng video games at sports.
Sa vlog ng cosplayer, sinagot nilang mag-asawa ang mga katanungan ng mga netizens at napa-throwback pa sila kung paano sila nagkakilala.
Ayon kay Alodia, set-up umano ang kanilang pagkikita ng kanyang pinsan.
“There was a point in time when I was single na I didn’t want to talk to anyone… I’m just really focused on work… I don’t wanna meet anyone. I’m already happy on my own. I can support myself… then my sister said, ‘Philip texted me. You should meet this guy. He’s a businessman’,” kuwento ni Alodia.
Dagdag niya, hindi pa umano niya naranasang mareto sa buong buhay niya at makalipas nga ng isang linggo ay nag-follow up ang pinsan niya kay Ashley para sabihan siya.
Matapos ang kanilang first date ay matagal sila ulit na hindi nagkita dahil nga ayaw ng vlogger-cosplayer na madamay si Christopher at ang pamilya nito sa magulong mundo niya lalo na’t isa itong sikat na personalidad.
Ngunit nalagpasan naman nina Alodia at Christopher ang pagsubok gaya ang mapanghusgang mga netizens at ngayon nga’y kasal na sila.
Kung matatandaan, February 14 ikinasal sina Alodia at Christopher matapos ang ilang buwan nilang pagiging magkarelasyon.