Aminado ang aktres na si Katya Santos na nakakarelate umano siya sa showbiz hopeful at Pantaxa Laiya contestant na si Angelica Hart sa kanilang upcoming erotic reality show.
Kasama ang aktres sa dalawang mentors – kung saan kasama niya rin si Maui Taylor — ng mga contestant sa show kaya natanong siya kung kanino ba sa mga ito siya pinaka nakaka-relate.
Sabi ni Katya, nakakarelate siya kay Angelica dahil nakita niya ang kanyang sarili sa star hopeful noong nagsisimula pa lamang siya sa sexy girl group na Viva Hot Babes.
“Nakaka-relate lang ako kay Angelica kasi parehas kami ng pinagdaanan before. Insecure ako sa katawan ko kasi nga ako ’yong malaman, ako ’yong voluptuous,” sabi ni Katya.
Dahil kasama sa competition ang patalbugan sa kaseksihan, naramdaman daw niyang medyo conscious si Angelica sa kanyang body type at ganu’n na ganu’n daw siya noon.
“Nakaka-relate ako sa mga expressions ni Angelica. For me, nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Ino-observe ko siya pag hubaran na, ’yong nahihiya, ganu’n din ako noon, e,” pag-amin pa ng aktres.
Dagdag pa niya, matagal daw niyang na-overcome ang insecurity niyang ito at masaya siya na sa wakas ay natutunan rin niyang tanggapin ang body type na meron siya.
“It was actually a…parang pakikipaglaban sa sarili ko for the longest time. But at least, finally, dumating na rin sa point na, you know, I accepted myself,” sabi ni Katya.