Pumirma sa isang memorandum of agreement ang Philippine Red Cross (PRC) at Department of Labor and Employment (DoLE) upang isulong ang kalusugan at kaligtasan sa mga lugar ng trabaho na tututok sa pagbibigay ng life-saving courses tulad ng basic at advance first-aid training sa mga empleyado.
Nanguna sa MOU signing sina PRC chairman Richard Gordon at DoLE Sec. Bienvenido Laguesma at nakasaad sa kasunduan na bibigyan ng mga tauhan ng PRC ng life-saving courses tulad ng basic at advance first aid training ang mga empleyado partikular na ang mga nagtatrabaho sa mga maliliit na negosyo.
“This one will train 96 or 97 percent of our bussiness come the sector that we are going to train now the microsector, the small bussinesses. They want us to train all of them so that they will have a safe environment…all these will be trained and they will be certified after 2 years and that will make a safer country,” saad ni Gordon.
“Nag-uumapaw ang aming kagalakan sa araw na ito sa pagkat binigyan natin ng katurparan sa pamamagitan ng partenrship natin this could ultimately help and sustain the DOLE efforts towards the ceartion of a workplace’s culture that avocates a safe, healthy and inclusive work evironment that spouses sustainable occupational safety and health best practices,” sabi naman ni Laguesma.
Isinagawa ang partnership sa ika-33rd Biennial National Convention ng PRC sa isang hotel sa Maynila.
Isa sa mga layunin ng convention na ito ng PRC ay pumili ng panibagong Board of Governors, mapag-usapan ang kanilang mga plano at programa upang mas mapaganda at mapalakad pa ang serbisyo ng nangungunang humanitarian organization sa bansa.
Pinangunahan ni Gordon ang nasabing aktibidad kung saan kanyang iginiit ang kahalagan ng volunteerism, leadership, at paghahanda sa ano mang kalamidad o sakuna at tiniyak rin niya ang kahandaan ng PRC sakaling mang tumaas nanaman ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
“Well our laboratories are still there, our people are still conducting training sa baba to prevent it and we are also conducting vaccinations. We are not letting it go away, we still have saliva tests,” sabi ni Gordon.