Hindi na napigilan ng dating beauty queen at model na si Maggie Wilson na basagin na ang kanyang katahimikan kaugnay sa isyu nila ng kanyang estranged husband na si Victor Consunji.
Kung matatandaan, hindi na umimik si Maggie dahil sa kagustuhan na ring maayos ang kanilang problema at kahit noong mabalitaang nanganak na ang girlfriend ni Victor na si Rachel Carrasco ay nanahimik si Maggie dahil sabi niya ay ayaw niyang madamay ang batang walang kasalanan.
Pero nabasag nga ang kanyang pananahimik nang kumalat sa social media ang larawan ni Victor na kasama ang isang bata at ang caption nito: “This beauty had a long day. #NotMe #TheLittleGirlOnMyTummy #IGuessIAmTheCrib #SomeoneAskedIfIShouldHaveABabyAfter45 #ISaidNo #4To5BabiesAreMoreThanEnough.”
Kaya naman nirepost ni Maggie ang report na may kaugnayan kay Victor at bumanat sa caption.
“STILL NOT ANNULLED. STILL NO COMMUNICATIONS. STILL HAVE AN ADULTERY CHARGE. STILL GETTING DEMANDS EVERYDAY. STILL BLOCKED FROM SEEING MY SON,” saad ni Maggie sa kanyang post.
Maraming netizens naman ang nagpakita ng suporta kay Maggie.